Basta’t Kasama Kita

Francis Morilao

Kumusta ang sales mo? tanong niya sa akin.
Ok naman, eto 2 St. Bernadette na naman at puro Seaman ang asawa, pagyayabang ko.

Hmmp, kaya pala ang tagal tagal mo sa bahay nung isa kanina dahil wala ang asawa, ikaw talaga, asar na wika niya.
Ikaw naman, selos ka agad, kasama sa sales talk ‘yun, pagtatanggol ko.

Ikaw, may sales ka rin ba? tanong ko.
St. Claire lang, iisa pa, pero nagbigay naman siya ng downpayment, malungkot na wika niya.

Ok lang ‘yan kaysa naman sa bokya, eh kung araw-araw kang may St. Claire eh bigatin ka na, pagpapaliwanag ko. Ano tara balik na tayo sa office para mag remit?
Sige para makauwi tayo ng maaga, maglalaba pa ako ng uniform ko, sang-ayon na tugon niya.

Parehas kaming Sales Executive ng isang kilalang memorial plan sa kahabaan ng Quezon Avenue, ngunit ang pinaka-opisina namin ay nasa kanto ng Mayon at A. Bonifacio Ave., malapit sa North Cemetery.

Kakaiba na ang tinginan namin, magkahawak kamay na kaming tumatawid sa kalsada, PDA (public display of affection) daw sabi ng ilan, pero sabi ko, inaalalayan ko lang naman pati sa pagsakay sa jeep, I’m just being gentleman, lahat kaya ng babae sa office eh ganun ang ginagawa ko, kaso nga lang minsan nakakadala rin, minsan ang ganda ganda nga ng kamay, malansa naman. Kumain ng paksiw, nagkamay hindi man lang nagsabon, syempre kapag nasa area kami, gentleman ako kunwari kaya lahat ng girls inaalalayan ko.

Ang galing mo naman! sabi ni Ms. Delfin, sa akin, Director namin sa office, paano mo nakuha ang 2 St. Bernadette sa kalahating araw?

Ganito po ma’am, kapag…
Teka, teka, bukas sa meeting natin tatawagin kita ha at ipaliwanag mo sa mga sales persons, putol niya.
Ok po, tutuloy na po kami, paalam ko.

Teka Mr. St Bernadette, mukhang may napapansin akong namamagitan sa inyo ni Ms. St. Claire ha? Alalahanin mo bawal dito sa office ng ganyan.

Opo ma’am, sabi ko.

No Courting of Associates. Baka kapag marami na kayong sales, kainggitan kayo at kasuhan kayo, paalala ni Ms. Delfin.

Bago po mangyari ‘yun, magreresign na po kami, pagmamalaki ko.

Maling sagot ‘yan, sabi niya, sa hirap ng buhay ngayon, hindi magandang isaalang-alang ang trabaho at career sa pag-ibig, wika niya.

Yes, ma’am, can I go now? naiiritang paalam ko.

Kaya pala, naabot mo ang posisyon mong Director pero hanggang ngayon matandang dalaga ka pa rin, naibulong ko sa sarili ko habang papalayo. Hmmmp.

Kanina pa pala siya nag-aantay sa akin sa ibaba ng building.

Sorry, ha, sabi ko, medyo napatagal ang usapan eh.
Baka naman pati si ma’am eh maalok mo ng St. Bernadette nyan, nakaismid niyang sagot.
Ito, pati si ma’am pagseselosan, tara na nga, ihahatid na kita.

Pages:

Tungkol kay Francis Morilao

Started as Makatang Kiko of Mga Kathang Isip ni Kiko and The Psalmist of Unnamed Psalmist, now showcasing Designs, Skills, and Latest Blogpost.
Home About Me! Contact Me! Read More! View my Designs!


Creative Commons LicenseBasta’t Kasama Kita is licensed under a Creative Commons Attribution-NoDerivs 3.0 Unported License. Based on a work at www.francismorilao.me. Permissions beyond the scope of this license may be available at the site's Permission Page.