Kailangan Ka Niya Maikling Kwento

Kailangan Ka Niya

Francis Morilao

Ang inyong mababasang maikling kwento ay may temang hindi angkop sa pagbabasa ng kabataan, patnubay ng magulang ang kailangan, sandyang ginawa ito ni kiko upang maging halimbawa ng mga pangyayaring minsan sa tingin ng iba ay tama at sa iba naman ay mali, gayunpaman tanging ang Diyos ang siyang manghuhusga sa sangkatauhan.

Saan tayo pagkatapos natin dito? tanong ni Wilma.

Uuwi na tayo, hinahanap ka na ng anak mo, tugon ko.

Aba, akala ko may pupuntahan pa tayo? panggigiit ni Wilma.

Umuwi na tayo, at sana ito na ang huli nating pagkikita, marahan kong tugon.

Ha!? Anong sabi mo? malakas na tanong ni Wilma. Pagkatapos mong pagsawaan ang katawan ko ng mahigit dalawang oras, ngayon sasabihin mong hindi na tayo magkikita? anong pumasok sa kukote mo?

Naisip ko lang kasi…
…ang anak mo, marahan pa rin ang wika ko.

Punyetang anak ‘yan, anong kinalaman ng anak ko dito!? ani Wilma.

Inaanak ko siya Wilma, ninong n’ya ako, mali itong ginagawa natin, (yumuko ako at nanahimik)

Bakit ka nagkakaganyan Christopher?, anong pumasok sa isip mo? ‘di ba mahal natin ang isa’t isa? pag-uusisa ni Wilma

Iniangat ko ang aking ulo at mataas ang boses na nagwika

Oo mahal kita, mahal na mahal, mahal ko rin ang inaanak ko, kaya dahil dyan puputulin ko na ang relasyon natin, hindi na tama ito…

Ha!? naloloko ka na ba Christopher?, iiwanan mo ako?
Paano ako? Babalikan ko si Reden? si Reden na walang pakialam sa asawa n’ya, ganun ba?

Wilma si Reden ay asawa mo, sa mata ng tao, sa mata ng Diyos, at hanggang ngayon ay nagsasama kayo sa iisang bubong, kumakain ng sabay, natutulog ng magkatabi, wika ko.

Anong ibig mong sabihin Christopher? tanong ni Wilma

Hindi na tama itong ginagawa natin Wilma, oo mahal kita, ngunit nagmahal tayo sa maling panahon, may asawa ka na, nagkamali ako, nakokonsyensa na ako Wilma, sa tuwing nagtatalik tayo, ang asawa mo ang nasaisip ko, ang inaanak ko, paano kung sa akin nangyari itong ganito, paano kung asawa ko ang nagtataksil sa akin? Hindi ko yata matatanggap ‘yon.

Nanahimik si Wilma at unti-unting humagulgol ng iyak, kailangan kita Christopher, kailangan kita dito sa buhay ko, paano na ako?

Wilma, mas kailangan ka ni Reden, mas kailangan ka ng inaanak ko.
Kailangan nila ng asawa at ina. Tapos na tayo sa mga pag-iibigan natin noong mga dalaga’t binata pa tayo, tapusin na natin ‘to, gusto ko na rin maging malaya, gusto ko na rin makahanap ng mapapangasawa ko.

Kung mahal mo ako, igagalang mo ang desisyon ko, oo masakit para sa akin na magkahiwalay tayo pero ayaw kong may nasasaktan habang tayo ay maligaya, mas nanaisin ko pang ako ang masaktan kaysa ako ang nananakit.

Lumapit si Wilma sa akin, hinawakan niya ang aking ulo at hinaplos ang aking buhok, at marahang hinipo ang aking pisngi, unti-unti niya akong tinitigan at lumipat ang tingin niya sa aking mga labi, tila nag-aanyayang ako ay muling halikan, halik na nakapananabik, halik na magsisilbing wakas ng aming relasyon, unti-unti kong inilapit ang aking labi sa kanyang mga labi habang pumipikit, hanggang sa wala na akong makitang liwanag, kundi ang sarap ng kanyang halik, halik na magsisilbing ala-ala, isang masayang ala-ala ng aming kalayaan, kalayaan sa aming mga pagkakasalang nagawa.

Iba Pang Babasahin:

Tungkol kay Francis Morilao

Started as Makatang Kiko of Mga Kathang Isip ni Kiko and The Psalmist of Unnamed Psalmist, now showcasing Designs, Skills, and Latest Blogpost.
Home About Me! Contact Me! Read More! View my Designs!


Creative Commons LicenseKailangan Ka Niya is licensed under a Creative Commons Attribution-NoDerivs 3.0 Unported License. Based on a work at www.francismorilao.me. Permissions beyond the scope of this license may be available at the site's Permission Page.