Brother and Sister

Katorse

Francis Morilao

Katorse – Maikling Kwento ngayong Valentine’s Day ay handog sa inyo ni Francis Morilao para sa pagdiriwang ng araw ng mga Puso, hindi lang naman para sa magkasintahan kundi para sa mga magkakapatid na nagmamahalan.


Kuya bilisan mo gumagabi na oh,

Teka lang

Dali na kuya may date pa ako

Oo naaa

[sa loob ng kotse]
Ikaw talaga kuya ang corny mo, valentines day ngayon tapos tayo nandito sa sementeryo

Hoy Tin Tin, parang hindi mo parents ang nakalibing dito ah

Eh pwede naman kasi kahapon tayo pumunta?

Iba pa rin ang hearts day, ikaw naman minsan na nga lang tayo makadalaw dito kila mama at papa

Oo na sorry, ikaw naman kasi, bakit ayaw mo pang mag girlfriend

Hay naku Tin Tin, pagtatapusin muna kita ng pag aaral

Nahihiya tuloy ako sayo kuya, ako pinayagan mong mag boyfriend tapos ikaw ‘tong nagpapaaral sa akin

Alam mo Tin Tin, pinangako ko kay papa na hindi kita pababayaan at ibibigay ko ang kaligayahan mo

Naks naman kuya naiiyak naman ako nyan teka madami ka namang magandang officemates ah bakit ayaw mong ligawan?

Hay naku, pagkatapos mo na lang mag aral

Kahit girlfriend lang naman kuya, kagaya ngayon, valentines day wala kang ka date, teka tatawagan ko classmate ko baka pwede siya

Hoy wag na, ikaw na lang, maglalaba pa ako ng damit natin

Sumama ka na lang kaya sa amin kuya?

Ano ako gagawin ninyong driver?

heheehehe
Kuya, alam mo, mahal na mahal kita kasi eversince na iniwan tayo nila mama hindi mo ako pinabayaan

(nangiti inilabas ang roses at valentine card at ibinigay kay Tin Tin)

Naks naman kuya 14 years mo na akong binibigyan ng ganito

Yes i love you Tin Tin, basta pagbutihin mo ang pag aaral mo

Yes kuya i love you too, ito oh ginawan kita ng handmade na valentines card, kagaya ng dati, tuwing galing tayo kila mama nagbibigayan tayo ng gift, sana kuya makahanap ka na ng mamahalin mo para next valentines day may ka date ka na

Yaan mo Tin Tin, matagal pa naman un…

I love you kuya (niyakap ang kuya)

(niyakap ang kapatid), I love you Tin Tin

Ang pag ibig sa araw ng mga puso ay hindi lamang sa mga magkasintahan kundi sa nagmamahalang magkakapatid.

Habang nakaupo ako kaninang umaga at nag aalmusal ay naisip kong gumawa ng isang maikling kwento tungkol sa pagmamahalan ng magkapatid, at habang tina type ko ito kanina ay hindi ko mapigilang umiyak dahil sabik ako sa pagmamahal ng isang kapatid, dahil nag iisa akong anak.

Ngayong araw ng mga puso, sana yakapin mo ang iyong kapatid at sabihing mahal na mahal mo siya, dahil maswerte ka at may kapatid ka, minsan lang naman ‘toh eh, sige na…

Featured Photo by ©Kellogg Gal on flickr®

Iba Pang Babasahin:

Tungkol kay Francis Morilao

Started as Makatang Kiko of Mga Kathang Isip ni Kiko and The Psalmist of Unnamed Psalmist, now showcasing Designs, Skills, and Latest Blogpost.
Home About Me! Contact Me! Read More! View my Designs!


Creative Commons LicenseKatorse is licensed under a Creative Commons Attribution-NoDerivs 3.0 Unported License. Based on a work at www.francismorilao.me. Permissions beyond the scope of this license may be available at the site's Permission Page.

8 Comments

  1. Bhing

    very meaningful piece.

    thank you for reminding us that vday is not only for couples but for everyone.

    happy hearts day Kiko!

  2. khantotantra

    true. Hindi lang naman sa lovers ang valentines day. lahat naman pedeng magcelebrate ang bigay ng pagmamahal. 😀

  3. uno

    wow bago ito good vibes na story different from the others ah…

  4. Bino

    super like!!!! happy valentines 😀

  5. Gil Camporazo

    Galing ng plot ng mainlining kuwento mo. Akala ko para lang sa magkasintahan itong kuwento mo, nagkamali pala ako. ganda ng pagkatwist ng plot… 🙂

  6. Tess Chancellor

    Happy Valentines not only for love oness but also for our siblings,parents at sa lahat.

  7. John

    Nice posting. By the way what 14 means to you?

    1. Francis

      there are lots of meaning of 14 for me, and one of them is the Valentine’s Date which is Feb. 14

Comments are closed.