Kaibigan Kailangan Kita

Kaibigan Kailangan Kita

Francis Morilao

Welcome Back Francis!

‘Yan ang nakalagay sa malaking karatula na bumungad sa akin pagkabukas ng elevator sa 18th floor ng Strata 100, para bang nasurpresa ako sa aking nakita pero parang wala namang epekto sa akin, wala naman akong sinabihan na pupunta ako, at hindi naman ako nagsend ng CV para mag-apply ulit sa Mega, natinag na lang ako sa aking pagkakatayo nang unti-unting sumasara ang pinto ng elevator, hindi na ako lumabas, nagdesisyon akong huwag nang tumuloy, tulala pa rin akong sakay ng elevator habang ramdam kong bumababa ito, huminto ang elevator sa 4th Floor kung saan ito ang tambayan ng Mega Scan boys after office, at kahit lunchtime or breaktime, tig-isang softdrinks at yosi habang dudungaw sa terrace ng 4th Floor.

Lumabas ako at nagbakasakaling puntahan ang tambayan, kaunting lakad lang naman mula sa pinto ng elevator, nakita ko si kuya, ayun, kinamusta ako.

“Kelan ka pa umuwi kiko?”, tanong ni kuya sa akin.

“Matagal na kuya, almost a year na, medyo ngayon lang ako nakaluwag at napadalaw dito, isang coke nga”, tugon ko.

“Yosi?” tanong nya.

Umiling ako.

“Matagal na akong huminto kuya, sa Qatar pa lang nag stop na ako, mas ginanahan akong magJogging doon kuya”, sagot ko.

Iniabot nya ang coke kasabay ng pag-abot ko ng bayad. Umupo ako sa paborito kong pwesto. Higop ng coke mula sa straw at parang tubig lang na naubos ng madalian. Tumayo ako at sumilip sa ibaba mula sa terrace, hanggang sa tanawin ko ang Park sa may gawing kanan.

Naisip kong maupo doon sa park. Inilagay ko ang basyong bote ng coke, sa may case sa gilid at nagpaalam na kay kuya.

Nakababa na rin agad ako sa ground floor at tinungo ko ang south entrance, sa may Goodah!! at nagpunta sa Mini Park, humanap ng mauupuan at swerte namang may eksaktong tapat sa magandang view.

Wala nga pala akong memories dito sa park dahil sa 2 taon ko noon sa Mega ay ni minsan ay hindi ako naupo kahit sa isa sa mga upuan dito, halos daanan lang talaga ang memories ko dito, kaya kahit anong isipin ko ay wala talaga.

Nag-Ring ang cellphone ko. Kinuha ko mula sa aking bulsa at sinagot ko ang tawag.

Yun naman ang pagbalikwas ko sa aking higaan.

Alarm Clock pala.

Umaga na ulit dito sa Doha Qatar.

Panaginip lang pala.

Naalala ko na, nag-email pala ako kay BFF at nagsumbong ng mga sama ng loob ko sa mga “friends” ko dito. Naiwanan ko palang bukas ang laptop ko at nasa sent message na ang email ko.

Naupo ako at saglit na nagmuni-muni. May mga kaibigan pa pala ako sa atin sa Pinas, sila na mas matagal kong nakasama, kahit na walang pera, basta tulungan at sama-sama.

Iba pa rin ang tunay na kaibigan sa atin sa Pinas, maaaring magkaroon man tayo ng kaibigan dito sa Qatar o kaya kahit saang panig ng mundo, iba pa rin ang level ng pagkakaibigan sa atin. ‘yung mula pagkabata, kaibigan sa eskwela, kaibigan sa kinagisnang bahay.

Minsan dumarating tayo sa puntong hinahanap natin ang mga kaibigan natin sa Pinas para paghingahan lang ng kinikimkim, ‘yung kilala mong makikinig lang ng mga gusto mong sabihin, hanggang sa murahin ka kung mali ka, batukan ka tadyakan dahil maiinis sa mga kwento mo.

Minsan kailangan talaga natin ang kaibigan sa mga panahong…

Haysss…

Kailan kaya makakapag-online si BFF?

Wakas

Salamat po sa inyong pagsubaybay sa aking mga kwento! Mabuhay po Kayo!

Pages:

Tungkol kay Francis Morilao

Started as Makatang Kiko of Mga Kathang Isip ni Kiko and The Psalmist of Unnamed Psalmist, now showcasing Designs, Skills, and Latest Blogpost.
Home About Me! Contact Me! Read More! View my Designs!


Creative Commons LicenseKaibigan Kailangan Kita is licensed under a Creative Commons Attribution-NoDerivs 3.0 Unported License. Based on a work at www.francismorilao.me. Permissions beyond the scope of this license may be available at the site's Permission Page.

4 Comments

  1. McRICH

    Ai andito kb sir welcome back!

  2. Superjaid

    sobrang bitin naman to.

    1. Francis

      nyahaha nagalit si ate @Superjaid, eto na po at tinatapos na, 2 araw akong absent, trangkaso sa loob ng katawan

  3. Annie Sabeniano-Espiritu

    Grabe ka Sir Francis… pinagod mo ako sa pagsunod sa kwento mo… panaginip lang pala… hmmmppp 🙁

    But kidding aside… I enjoyed reading it. Minsan masarap din talagang sumulat at bumasa ng sariling wika 🙂

Comments are closed.