Manika Jamila

Manika – JamilaKwento ng Manika

Francis Morilao

Unang Bahagi

Istante

You’re Unfair, I hate You

Ito ang mga letrang naka print sa damit ng bawat stuffed toy na nakahilera sa harap ko habang ako naman ay nakaupo sa istante kasama ng mga manika sa Doll’s Section.

Ilang buwan na din mula nang ako ay inilagay dito ngunit wala pa ring bumibili sa akin, samantalang ang stuffed toy na nasa harapan ko ay talagang mabenta, siguro nga mas maganda ang stuffed toy kaysa sa manika. Pansin ko lang, mabili ‘yong You’re Unfair kasi madaming stock, palit ng palit kada araw.

Umaga na naman at may bumili na naman sa kanya. Kinindatan niya ako habang bitbit siya papuntang counter, ngiti niya’y may pangungutya na parang nagsasabing bhelat nanjan ka pa rin, wala nang bibili sa’yo.

Hindi ko alam ang dahilan kung bakit siya mabenta. Siguro nga dahil manika lang ako at walang alam sa mundo.

Bilang manika, maganda ako syempre, mahaba ang pilik mata ko, bilugan ang mata, kulay buhok ng mais ang buhok ko at nagsasalita kapag pinipindot ang button na nasa dibdib ko, nag-iisa lang ako sa hilera ng manika na nagsasalita, iyong katabi ko ay iba naman ang features n’ya, meron siyang 30 changeable position na halos lahat ng joints nya ay pwedeng paikutin at galawin.

Hayz lumipas na naman ang araw at nagsara na naman ang Toy Store.

Kadiliman

Bukas Linggo, siguradong madaming mamamasyal at sana may bumili na sa akin.

6th Birthday

Birthday mo noon, sinama ka ng tatay mong mamasyal dahil nagpadala ang mama mong nasa Qatar ng remittance para makabili ka ng regalong gusto mo sa birthday mo. Napadpad kayo sa Doll’s Section at nakita mo ako. Binuhat mo ako at pinindot mo ang button sa dibdib ko at natuwa ka sa maganda kong boses.

Tay gusto ko ito! sabi mo.

Natuwa ako, sa wakas makaka-alis na rin ako sa istante at swerte ko kasi ang ganda mong bata at sigurado akong aalagaan mo ako.

Habang papunta tayo sa counter, hindi mo na ako binitawan, akap mo pa rin ako hanggang sa magpunta tayo sa McDonalds para kumain kasama ng tatay mo. Doon pa lang panatag na agad ako dahil alam kong mapapaligaya kita bilang manika mo.

Umuwi na tayo, matapos mong humalik sa tatay mo ay nagpunta ka sa yaya mo at ipinagmalaki mo ako sa kanya. Si yaya mo ay inayos ang baterya sa likod ko para mapakinggan niya ang boses ko. Pati siya ay natuwa sa boses kong nagsasabing Good Morning, Take Care, Good Night, Sweet Dreams.

Pagkatapos mong magbihis pantulog, kinuha mo ulit ako at itinabi sa higaan mo, sarap ng pakiramdam na kaakap mo ako.
Pinindot mo ang dibdib ko at sabi ko Good Night, Sweet Dreams.

Madilim na naman, mahimbing na ang tulog mo, ako hindi naman natutulog dahil manika ako. Ramdam ko ang bawat ikot mo sa bed. Masaya ako kasi unang gabi kong kapiling ka at hindi na doon sa istante kung saan mo ako binili.

Pages:

Iba Pang Babasahin:

Tungkol kay Francis Morilao

Started as Makatang Kiko of Mga Kathang Isip ni Kiko and The Psalmist of Unnamed Psalmist, now showcasing Designs, Skills, and Latest Blogpost.
Home About Me! Contact Me! Read More! View my Designs!


Creative Commons LicenseManika – JamilaKwento ng Manika is licensed under a Creative Commons Attribution-NoDerivs 3.0 Unported License. Based on a work at www.francismorilao.me. Permissions beyond the scope of this license may be available at the site's Permission Page.