Manika Jamila

Manika – Jamila
Kwento ng Manika

Francis Morilao

Pangalawang Bahagi

Kasama ng mga Laruan at Kalaro

Ilang araw na lang at magpapasukan na sa school, kaya pinayagan kang makipaglaro sa mga pinsan mo, syempre bidang bida ako dahil ako ang bago mong manika. Ipinakilala mo ako sa mga kalaro mo at sa mga laruan nilang manika din. Talagang stand-out ako sa kanila dahil ako lang ang manika na nagsasalita. Hindi ko na mabilang kung ilang beses nilang pinindot ang dibdib ko para magsalita, hanggang sa napaos ako at tuluyan nang mawalan ng boses. Siguro naubos na ang baterya ko sa likod. Pagka-uwing pagka-uwi mo, nagpabili ka agad sa yaya mo ng 2 AA Battery para sa likod ko.

Ganun ulit bago ka matulog, pipindutin mo ako at sasabihin kong Good Night, Sweet Dreams, sa umaga naman Good Morning.

Ilang araw, buwan ang lumipas, ang sarap ng mga ala-alang magkasama tayo.

Minsan isinama mo ako sa Montessori kung saan ka nag-aaral at ipinagmalaki mo ako sa mga classmates mo.

Ramdam na ramdam ko ang pag-aaruga mo sa akin, si yaya panay ang linis sa balat kong plastic kapag nasa school ka, binilhan nya ako ng suklay para palaging maayos ang buhok ko, nilalabhan niya ang mga damit ko para palaging mabango pag kaakap mo ako.

Magandang Balita

Tuwang tuwa ka sa ibinalita sa iyo ng tatay mo dahil sa susunod na buwan ay uuwi ang mama mo mula sa Qatar para magbakasyon at para na rin makasama ka sa 7th birthday mo.

Tuwing sabado at linggo ng umaga, isinasama mo ako sa labas at titingala ka sa langit na parang sabik na sabik ka sa pagdating ng mama mo.

Kay sarap ng pakiramdam na kapiling mo ako sa panahong masaya ka at nananabik sa pagbabalik ng mama mo.

Dumating na ang mama mo at natuwa din siya sa akin, bumili na siya ng isang box ng battery para hindi na maubos ang boses ko.

Pages:

Tungkol kay Francis Morilao

Started as Makatang Kiko of Mga Kathang Isip ni Kiko and The Psalmist of Unnamed Psalmist, now showcasing Designs, Skills, and Latest Blogpost.
Home About Me! Contact Me! Read More! View my Designs!


Creative Commons LicenseManika – Jamila
Kwento ng Manika
is licensed under a Creative Commons Attribution-NoDerivs 3.0 Unported License. Based on a work at www.francismorilao.me. Permissions beyond the scope of this license may be available at the site's Permission Page.