Katarungan

Quirino Hostage – Biktima

Francis Morilao

Isang pulis na nakasuhan ng Drug-Related offenses ay nang hostage ng Tourist Bus sa Manila.

Napag alaman ng mga awtoridad na itong si Senior Inspector Rolando Mendoza ay nang hostage ng Tourist Bus na pawang mga Chinese National ang nakasakay, sa kanyang nais na maihayag ang saloobin tungkol sa kanyang nakabinbin na kaso. Tumutok lang po dito sa nangungunang estasyon ng pagbabalita para sa mga susunod na kaganapan. Ito po ang inyong lingkod Kiko nag-uulat.

Praktis lang po kung mapurol na ang angkin kong talento sa pag-uulat ng balita, naalala ko nuong bata pa ako, ako ang taga-hatid ng balita sa mga pinsan ko kapag magkakaroon ng pagsasalo-salo, natutuwa sila sa akin kasi binibigyan ko ng kulay ang pagbigkas ng bawat nilalaman ng balita.
Isang pinsan ko ang tumapik sa akin at sinabing, kiko nabiktima ka na naman ‘no? Hindi mo ba alam na ginagamit ka lang nila, ang talento mo, pero hindi mo namamalayang inaabuso ka na pala, wala ka namang nahihita diba?

Mabalik po tayo sa inulat ko kanina, isa lang po iyan sa mga tambak tambak na kaso na natuklasan ko sa talaan ng mga kaso (Drug Related offenses) sa hustisya sa Pilipinas habang ako ay nasa unang taon ng pag-aaral ng abogasya sa Pamantasan ng Ateneo. Ang hindi maalis sa aking isipan, bakit madaming ganitong klase ng kaso ang nawawalan ng saysay, hindi agad nabibigyan ng aksyon, natatabunan, lalung-lalo na kung walang abugado na nag aasikaso. Hindi agad magkaroon ng hustisya. Naaalala ko pa noong nag-aaral ako, palagi na lang akong nakikipagtalo sa aking guro tungkol sa maling sistema ng pagpapatupad ng batas ng may kapangyarihan, sagot sa akin, sila kasi ang may kapangyarihan kaya sila ang batas.

Ang pananaw ko kasi dito, kaya ginawa ang batas para ilabas o iharap sa madla ang kasalanan. Hanggat walang batas para dito walang lumalabag sa batas. Kung pagbabasihan natin ang Sampung Utos ng Bibliya, naunang sinabi ang utos na kung saan ang lumabag sa utos, may kasalanan, ganun lang ‘yon, ang kabutihan dito pagdating ni Jesus pinagaan Niya ang utos at ginawang dalawa na lamang, samantalang sa batas ng tao habang papatanda ang henerasyon padami ng padami ang batas, sa sistema ng hustisya sa pangkalahatan, hanggat walang batas para dito, walang nagkasala, ang nakakatawa lang, kapag ang isang taong nabigyan ng kapangyarihan na walang alam sa batas at sa pagpapatupad nito, naibabase niya ang kanyang desisyon ayon sa kanyang pananaw at hindi mismo sa kung ano ang batas, kung ano ang hustisya.

Ano ba ang hustisya? Ano ang intensyon ng hustisya?

Ang hustisya ay para makita na ang may kasalanan ay mapatunayang nagkasala at ang inosente ay mapawalang sala at makalaya, payak lang ‘diba? o hindi ganoon ka payak? ngunit kung titignan natin ang simbolo ng hustisya na isang babae na may piring ang mata at mayroong timbangan na naglalayong magkaroon ng Depensa at Prosikyusyon na ang tungkulin ng Depensa ay para protekhatan ang karapatang pantao ng isang nilalang at ang tungkulin ng Prosikyusyon ay para manindigan sa mga batas, tanging mga batas lamang.

Hustisya para sa lahat!

Ang problema nga lang. Ang bawat panig ay gustong manalo, gustong manalo kahit na maisang tabi ang katotohanan, maisang tabi ang hustisya, gustong manalo syempre kasi inosente, gustong manalo kahit na may kasalanan.

Ang pagka-panalo ay kinakailangan ng bawat panig.
Ito ang isang lohika ng katotohanan ayon sa hustisya… 
Kung ang nagsasampa ng reklamo ay nagsasabi ng totoo sa tulong ng Prosikyusyon nangangahulugan na ang inirereklamo ay nagsisinungaling, tama ba? o ang sinasabing may kasalanan ay nagsasabi ng totoo na wala siyang kasalanan sa tulong ng Depensa eh ‘di nangangahulugang nagsisinungaling ang nagsasampa ng reklamo o kaya wala siyang matibay na ibidensya o wala siya sa posisyon para sa pagpapatupad ng batas o kaya naman walang batas para dito.

Ang sustansya ng hustisya na dapat bigyan ng pansin ay ang motibo. 
Ano ba ang motibo kung bakit nagawa ang kasalanan o isang pagkakamali? Ano ba ang motibo kung bakit mayroong reklamo? Para ba ito sa kaparusahan ng may kasalanan? o para sa pagbabago o pagdaragdag ng batas o para masabing may nagpapatupad ng batas o para masabing may nagbabantay sa pinapatupad na batas?
 Maski man ako ay nahihiwagaan sa lalim ng hustisya. Sa kahulihulihan ang kaawa awa ay ang biktima ng hustisya.

Pages:

Tungkol kay Francis Morilao

Started as Makatang Kiko of Mga Kathang Isip ni Kiko and The Psalmist of Unnamed Psalmist, now showcasing Designs, Skills, and Latest Blogpost.
Home About Me! Contact Me! Read More! View my Designs!


Creative Commons LicenseQuirino Hostage – Biktima is licensed under a Creative Commons Attribution-NoDerivs 3.0 Unported License. Based on a work at www.francismorilao.me. Permissions beyond the scope of this license may be available at the site's Permission Page.