Katarungan

Quirino Hostage – Biktima

Francis Morilao

BIKTIMA

Pasensya ka na at nabiktima kita
Sa haba ng kwento ko, nagtapos lang sa tula;
Isip isipin mo kung ano ang hustisya
Nagkamali ang isa, ang isa nama’y biktima.
Ganyan siguro, ang buhay talaga
Kung pagninilaynilayin mo, kung ano ang hustisya;
Napawalang sala kahit nakapatay na
Samantalang naisang tabi kung sino ang biktima.

Mula kay Ronald Mallari
Ako ay isang mandirigma
Ang hawak ko ay pluma
Panulat ang aking sandata
Ako man ay isang biktima
Ng mapagpalalong sistema
Pero taglay kong anunsyo
Akin pa ring inilalako
Kung sino man ang magkagusto
Ika’y magiging kaibigan ko.

tugon kay Ronald
Biktima ka rin ba ng maling sistema
Na hinaluan pa ng pamumulitika,
Nagkamali ka, humingi ka ng pasenya
Kasi kung hindi uunahan na kita.
O ikaw ang nangbibiktima
Sa mga mali mong panukala,
Sabi mo’y Pinoy ka, isa ka palang tuta
Napag-alaman ko, dugo mo pala ay pana.
Ako’y iyong pakinggan
Sa aking kahilingan,
Huwag mo akong sigawan
Bagkus paliwanagan;
Kung ano ang patutunguhan
Nitong ating samahan.

Mula kay Ronald Mallari
Sa tagal kong pananabik
Sa mga makabuluhang titik
Salamat at muling nakatalik
Mga kaibigang matalik
Ka kiko nawa’y maliwanagan
mga isip na natatabingan
ng makasariling kapag-nasaan
hustisya sana ay iyong masumpungan

Mula kay Omar dela Cruz
“Ako ay isang mandirigma
Ang hawak ko ay pluma -Ronald
Sa tagal kong pananabik
Sa mga makabuluhang titik
Salamat at muling nakatalik
Mga kaibigang matalik -Ronald
(Pero kapag pinalitan mo ng “ak” yung “ik” ganito ang lalabas)
Sa tagal kong pananabak
Sa mga makabuluhang titak
Salamat at muling nakatalak
Mga kaibigang matalak

Eto ang lumabas na kahulugan:
Si spike ay isang mandirigma na ang gamit ay pluma
Sya’y matagal ng nanabak sa pamamagitan ng kanyang akda
Syay nawala at ngayoy muling nakikipagtalakan
sa kaibigan nyang nakikipagsigawan

Mula kay Nix Mandanas
nang dahil kay kiko
ako’y naki-uso
balagtasan sa nayon
umabot sa lupon
sa anghel na pinuno
tugon ko ay pasado
iyong unang pagsubok
sa balagtasan ay pasok
sa gitna ng kaguluhan
patudsada’t sindakan
biktima’y di lamang
dahilan sa nanlamang
sariling pagtanggap
sa puna ay hirap
maging ang abang lingkod
ay hindi tatalikod

biktima na lang ba
ang papel kong kaya?
subukan naman natin
maging tayo’y bida
pagkaka-isa sana
itaguyod ng masa
kontrabida man sya
pa-shotin mo ng ginebra!
mark logan!!! abs….. cbn!!!

kiko
Salamat po sa inyong mga puna,
Sa aking akdang pagkahaba haba;
Sino ba talaga ang tunay na biktima?
Sa mata ng tao, sa mata ng madla.

Kung ating babalikan, simbolo ng hustisya,
Tunay na nakapiring kanyang mga mata;
Para manaig katarungang alay nya,
Dito sa mundong puno ng pulitika.

Sa aking opinyon, hindi na mahalaga
Kung sino talaga, itong nabiktima.
Sa ating hustisya ang pinakamahalaga,
Ay maging patas ka, sa nakararami, hindi sa iisa;
Upang maiwasan ang masamang impluwensya,
At lakas ng maduming pulitika.

Biktima man ay may sala,
Kahit ang may sala ay pinalaya;
Huwag nating kalimutang nakatingin SIYA,
Sa ating mga gawa, mali man ito o tama
Sapagkat pagdating na tayo ay patay na
May naghihintay, na makapangyarihang hustisya.
THE DEFENSE RESTS YOUR HONOR.

Pages:

Tungkol kay Francis Morilao

Started as Makatang Kiko of Mga Kathang Isip ni Kiko and The Psalmist of Unnamed Psalmist, now showcasing Designs, Skills, and Latest Blogpost.
Home About Me! Contact Me! Read More! View my Designs!


Creative Commons LicenseQuirino Hostage – Biktima is licensed under a Creative Commons Attribution-NoDerivs 3.0 Unported License. Based on a work at www.francismorilao.me. Permissions beyond the scope of this license may be available at the site's Permission Page.

1 Comments

  1. Babyluv

    biktima? hustisya? ako’y napanganga
    tatay spike,kuya omar at nix ay nagbalik na
    dahil sa ” Quirino Hostage ” naglabasan sila
    balagtasan dito’y biglang nabuhay pa
    hanggang ngayon ako’y tulala dahil sa husay nila.

    sino nga ba ang biktima sa naganap na sakuna?
    hostage taker ba? turista? o mga pulisya?
    tao lang naman ako para sa kanila’y humusga
    hayaan ko na lang na SIYA ang magbigay ng hustisya
    sigauradong pantay-pantay ang lahat sa KANYA.

Comments are closed.