Valentine

Tatlong Araw bago ang Valentine’s Day

Francis Morilao

Unang Araw

Kinabukasan, nagpunta ang mag-asawang Marlon at Cynthia sa bahay nina Carol at Nestor at nagpalitan ng kwento ang mag-bilas. Halos parehas ang itsura ng matandang nagpakita sa kanila sa panaginip.

Eh baka naman may naagrabyado kayong tao, tanong ni Cynthia.

Wala noh, mabait kaya kami, sabay sabi ng dalawang lalaki.

Eh bakit naman magpapakita sa inyong panaginip ang matandang ‘yun at sabay pa!? tanong ni Carol.

Aba malay ko, sagot ni Nestor.

Tao po!?

May tao sa labas, sabi ni Nestor.

Sino po ‘yan!? Binuksan ang pinto.

Dito po ba nakatira si Cynthia o Carol Cervantes? tanong ng lalaki.

Oo dito nga po, sagot ni Carol, bakit po!?

May notice po galing munisipyo, may naghahanap po ng Cynthia o Carol Cervantes, may nakakaalam daw po kung nasaan ang mga magulang ninyo.

Ano!? Ate ano daw!? pagkagulat ni Carol.

Mamang ano, ulila na po kami, kaming magkapatid ay galing ng kumbento, nakapagtapos ng pag-aaral at ngayon ay may mga asawa na, tapos bigla may darating na balitang may magulang kami!?

Napag-utusan lang po ako, sana ay makapunta kayo sa munisipyo, salamat po, paliwanag ng lalaki at umalis na.

Bakit hindi natin subukang puntahan ang munisipyo para malaman natin ang tunay na balita, aya ni Marlon.

Teka, maggagayak lang ako kuya, sagot ni Carol.

Sa Munisipyo

Cynthia, Carol Cervantes!? tanong ng may katamtamang taas na babae.

Ako po si Cynthia, siya po si Carol, may pumunta po sa bahay at sinabing may nagsabi daw dito sa munisipyo kung nasaan ang mga magulang namin.

Oo, ang iyong ina ay nasa mental hospital, at araw at oras na lang ang inaantay, paliwanang ng babae.

Saang lugar po ‘yan at pupuntahan namin? tanong ni Marlon.

Teka po ma’am, eh ‘yung tatay namin nasaan daw po!? tanong naman ni Carol.

Matagal nang patay ang inyong ama, siya si Cesar Cervantes, namatay siya noong ipinapanganak kayo ng nanay mo dahil nasiraan din siya ng bait noong nabuntis ang nanay ninyo sa inyo.

Salamat po ma’am, tutuloy na po kami, paalam ng apat.

Habang sakay ng kotse ay hindi maalis sa isip si Marlon ang tanong kung ano ang dahilan kung bakit nasiraan ng bait ang tatay ng asawa niya at ni Carol noong pinagbubuntis sila.

Ano nga kaya ang dahilan ng pagkamatay ng tatay ninyo ano!? tanong ni Marlon.

Hay naku, sagot ni Cynthia, nasiraan ng bait ‘yun kasi hindi nya siguro matanggap na kambal ang anak niya.

Grabe ka naman ate, baka naman hindi ganon, pagtatanggol ni Carol.

Alam nyo, malalaman natin ang sagot sa nanay ninyo, siguro naman makakausap nyo pa ‘yun, bilisan na lang natin at baka hindi na natin maabutan, paliwanag ni Nestor.

Sa Mental Hospital

Doc, pwede ho ba naming makausap ang pasyente sa loob!? tanong ni Cynthia.

Naku gabi na po, ma’am, tapos na po ang oras ng dalaw, balik na lang po kayo bukas, pagtanggi ng doktor.

Eh ako po si Cynthia, siya po ang kapatid ko si Carol at mga asawa namin, sabi po kasi sa munisipyo namin ay oras na lang ang inaantay ng nanay namin, baka po sana kahit papaano ay makausap namin siya, alam nyo po, ngayon pa lang namin siya makikita, lumaki po kami sa kumbento ng walang kinikilalang magulang, pakiusap ni Cynthia.

Ipagpaumanhin po ninyo Mrs. Cynthia, sumusunod lang po ako sa patakaran ng hospital na ito, maayos naman po ang lagay ng inyong nanay, maaari po kayong bumalik bukas ng umaga, sana po maintindihan ninyo ako.

Pasensya na po doktor, babalik na lang po kami bukas, sabi ni Marlon.

Habang Papauwi

Sa bahay na muna kayo matulog ate, para bukas na bukas ay maaga tayong bumalik sa hospital, anyaya ni Carol.

Ok lang sa akin dear, tama si Carol, mag half day na lang ako, sambit ni Marlon.

Pages:

Tungkol kay Francis Morilao

Started as Makatang Kiko of Mga Kathang Isip ni Kiko and The Psalmist of Unnamed Psalmist, now showcasing Designs, Skills, and Latest Blogpost.
Home About Me! Contact Me! Read More! View my Designs!


Creative Commons LicenseTatlong Araw bago ang Valentine’s Day is licensed under a Creative Commons Attribution-NoDerivs 3.0 Unported License. Based on a work at www.francismorilao.me. Permissions beyond the scope of this license may be available at the site's Permission Page.